simple lang akong tao,tanging gusto sa buhay ay mag mahal at mahalin ng totoo,yung talagang totoong pag ibig,na bibihira sa mundo nakaka alam,at nakakaramdam,haiy ang sarap mabuhay sa fairy tale,yung tipong happy ending,,
~ako ung taong hindi mabubuhay ng walang kaibigan,,mataray ako pero ang totoo iyakin ako at takot ako mag isa,d aq makapag desisyon ng biglaan,takot kasi ako magkamali at lalong takot ako masaktan.
~lahat ng nangyayare sa buhay ko sa araw araw,(as in lahat) alam yan ng mga barkada ko,(yung super close sakin)walang pinipiling topic,, basta nangyari ngayon s buhay ko automatic alam nila(khit wlang ka kwenta kwenta)kahit sa txt lang oh tawag ganun sila ka updated,ewan ko ba nasanay na kami at talagang hindi ko kaya magsinungaling sa kanila,makakapag sinungaling ako sa mama ko pero sa knila hindi,hehehe(bad).
~mahilig ako manood ng tv lalo n sa kapuso,favorite ko ang eat bulaga,sad ako pag may work kasi d nakakapanuod ng bulagaan,super idol ko kc ang TVJ pti n din c jose.Kahit mga old movies nila pinapanood ko, nakaka relate din ako sa mga songs nila,very funny,,hahahah
~pag nag iinternet ako bukod sa friendster meron din akong flixter,facebook,twitter,multiply,plurk basta lahat,may accnt ako.
~sa youtube nman paborito ko eat bulaga pdin ung mga episodes n hindi ko napanuod pinapanuod ko,at khit napanuod na(adik) nkikipag away aq sa mga nag cocomment ng di maganda kay regine V.
~sobrang crush ko c roadfill ng moymoypalaboy as in lagi sya sa panaginip ko,ewan ko ba,,mahal ko na ata sya,, heheh mehganon,, basta i admit nagkaroon ng time na na obsessed ako sa kanya,, masaya ako dahil kahit papano medjo close kami,,secret na kung bakit,, hahahah.
~mas matagal ako tumae kesa maligo,minsan pag mainit ayoko mag lotion.
~pag wala ako magawa nandun lang ako sa kwarto ko,
~pag gusto ko mag inom khit magisa lng ako napunta tlga ako sa bar, dami papa dun nakikipag kilala,pero di ko sila type bukod sa ang babata pa mga wala png pera,,hehehe.
~mahilig ako mag ukay ukay,pero gusto ko kasama ko sia ana pepe,jinky at miles masarap kasama un eh tawa kami ng tawa.
~may collection ako ng bracelet,kung gusto mo na matuwa ako sa regalo mo sakin, bracelet ang ibigay mo.
~minsan gusto ko mag yosi wala lng trip lng pero hindi nman ako na aadik,,(owss)uu promise.
~nag dadasal ako every 6pm,sabi nila mas effective daw kc humiling kay God sa ganong oras,syempre every night din bago matulog at pagkagsing (pag d ko nalimutan).
~gusto ko lagi may bago ako ballpen para sipagin ako magsulat kahit wala ako isusulat magsusulat ako.
~pag nakagusto ako sa pagkain,hindi pwedeng hindi ko un makakaen,tlgang iiyakan ko un.
~may sakit akong kakaiba,madalas akong dighal ng dighal ng dighal,as in walang katapusan,hanggang sa isuka ko n ang kinain ko(oh db kakaiba).
~favorite color ko ay pink,pero karamihan sa gmit ko kulay yellow at green.
~maarte ako sa underware,meron akong pambahay na bra at panty,meron din ako pang alis,ayoko kc na mabilis maluma.
~malinis ako sa kwarto,(malinis b un?)gusto ko organized,lalo n mga alahas ko.naiinis ako ky mama at pj pag laging pinapakielaman mga gamit ko,lalu na pag walang paalam.
~madami aq sapatos at tsinelas,pero kung ano yung bgo,un lng lagi ko suot.
~madalas ako maglinis ng bahay,pero ewan ko ba,laging makalat pa din.
~mahilig ako manood ng concerts,lalo na kung dito lang sa san pablo,iiyak ako pag d ako nakapanood,para saken kasi minsan lang sila dadating dito at ayoko ng nalalampasan ako ng mga happennings.
~marami tataas ang kilay pag sinabi kong virgin pa ako,pero toto un virgin p ako,inuulit ko virgin p ako,wah ako pakels kung hindi sila naniniwala,ang mahalaga naniniwala at nagtitiwala saken ang mga mahal kong esrotak tropa.(im proud).
~sobrang gusto ko ng makarating sa america,25 n ako ngayon at the age of 40 gusto ko milyonaryo n ako,(so help me GOD).
~ayoko na mag asawa,takot n ako magmahal at masaktang muli,at d ko na din kaya magtiwala.pero gusto ko magka anak,khit walang asawa(panu kya un)pero ayoko naman ma rape hah,toktok.
~wish ko makabawi ako sa lahat lahat lhat ng mga taong tumulong sakin nung panahon n kailangan ko ng tulong,makali oh maliit man naitulong nila sobrang gusto kong makabawe,lalu n sa mga esrotak tropa.
~gusto ko makapasyal kmi ni mama khit around the philippines lang d ko pa kaya ang around the world eh.
~gusto ko mag trabaho sa eat bulaga para everyday happy na everyday i love you pa,hehehe.
~never na ako naglinis ng kuko ko sa paa simula nun nag ka ingrone ako,kaya pinapalinis ko na lang sa manikurista,nadala talaga ako.
~wag n wag ka mag pa-promise saken kc aasahan ko tlga yan,at magagalit ako pag di un natupad.
~mababaw lang kaligayahan ko,kaya tuwang tuwa sila magkwento saken kssi sarap ko daw tumawa,sabi nga ni jordan kung nabebenta lang daw mga jokes nia mayaman na xa saken.
~compatible tayo kung ikaw ay mahilig kumaen,game n game sa gimikan,mahilig mag gala at malambing.
~masarap ako mag mahal.ipagluluto kita,reseach ko pa sa internet ung ibang recipe para maiba lng,ipaglalaba kita,ipag hahanda ng dmit,ipaglalagay pa kita ng toothpaste sa toothbrush,i ha-hug kita lagi at paulit ulit sasabihan ng I LOVE YOU!
~oh na iinlove kana saken noh???
oh sya tigilan na nga nten to at baka madevelop ka pa saken.heheheh
~salamat ng marami sa nagbasa,,,
Oh diba tittle pa lang obvious na about boys/guys/lalake/boylet/boyfriend/jowa/fudra/at lolo mo ang tatalakayin ko ngayon. Uhmsa mga nakakakilala/followers ni roadfill. Yeah bah!!Ito ang sagot ko sa blog ni fill na “mga babae nga nman”..heheheh wala lang naisip ko lang ang topic na ito kasi biglang puro boylet ang nasa isip ko ngayong gabi..
Yes, of course kung maraming klase nga babae,,madami rin klase ng lalake.Aside from the fact na mos t of my dabarkads ehh lalake. I can say na I am old enough para maisaisa ko sila,,, GAME…
MAMA’S BOY- Oh gadd,,sila yung mga lalaking sobrang takot sa ina.Yung naturingang lalake ,walang ginawa kundi tumango,omoo sa mudra nya.Kahit minsan napipilitan lang sya,go lang ng go.Walang sariling paninindigan.Di makapagdesisyon ng ayos.Kailangan ipaalam muna sa mudra nya lahat ng bagay. Kahit pa nasa right age na sya to deside.Nakatago pa rin sa saya ng nanay nya.I remember nagkaroon ako ng boylet na ganito,mama’s boy talaga as in, naku, masasabi ko lang kawawa ang mapapangasawa ng guy na ganito.
IMMATURE- Isip bata,grabe hirap espelengen,lahat na lang ng gawin mo mali. May barkada akong ganito,parang tanga inaaway ang GF kahit wala sa lugar,palibhasa immature nga sobrang kitid ng utak ayaw pa makinig sa mga advise,wala syang pinakikinggan kundi sarili nya. Tapos in the end pag na realized nya na mali nga sya,ayun iiyak iyak sa isang tabi,, pinanindigan na immature nga sya.
IYAKIN- Yup you heared it right! Hindi lang babae ang iyakin noh.. Meron ding mga lalake,pero syempre knowing boys, hanggat mapipigilan,pipigilan. Mas magaling lang siguro sila mag pigil ng luha kesa sa babae kaya bihira sa mga boys ang nabibisto na iyakin sila.
WOMAN HATER- Of course kung may man hater may woman hater din. Actually pareho lang silang sobrang nasaktan sa isang failed relationship kaya sila naging haters. Ang pinagka iba lang,sa girls pag man hater usually nagiging boyish or tomboy,sa boys naman pag sinabing woman hater (hindi naman nagiging bading ha) kadalasan sila yung mga naghihiganti sa girls,tipong wala ng sineseryoso, burado na sa diksyonaryo nila ang salitang asawa! Walang balak magkapamilya, takot sa responsibilidad at takot na ulit masaktan.
MANYAKIS- Naman! Basta lalake pinaguusapan,hindi mawawala ang manyak dyan. For sure lahat ng girls agree dito. Ang boys slightly may aamin, may mag de-deny. Ewan ko lang ha, im not so sure kung tama lahat ng nasa isip ko. Meron kasing mga lalake na kung makatingin kala mo kakainin ka ng buhay,Oh kung makatitig parang hinuhubaran kana, meron dyan nag lalakad ka lng sisitsitan ka pa, meron nga tropa mo na eh or worst kamag anak chachansingan ka pa!! oh eh anu ba tawag don?? Ehh di manyak!! Plangak,.,
TWO TIMER- Awwts,,it hurts,,two times na ata ako na two time. Ewan ko ba kung bakit may mga lalaking ganito. Hindi makuntento sa isang babae,gusto nila kanila lahat, pag naman pinapili mo sasabihin pa, “pareho ko kayong mahal” TOINKZ! Anu yun dalawa ang puso mo? Or worst sisisihin ka pa sasabihin nya “nagawa ko lang yon dahil sa pagkukulang mo” NAK NG ! KASALANAN KO PA?!
Haiyst,, ewan siguro feeling nila to the highest level ang pogi points pag two or more ang shotitat nila,,
Gadd,, haven’t they considered the feelings of those girls? Diba.. number 1 ka man or number 2 pareho lang yun ehh masasaktan ka kasi niloko ka,.,haiyst,,ewan NEXT
7.PAMINTA- Hahahaha,for those who are not familiar, sila yung mga paminta na durog. Durog meaning Hindi buo, in short badingerzi!! Heheheh. Naalala ko, may nanligaw sakin na pamintang durog. Im not aware na durog pala sya.Madami na nagsabi sa akin na badingerzi nga daw yon, sabi ko hindi naman vain lang talaga siguro,ipinagtanggol ko pa,kasi naman napaka bait nya,sweet,fun to be with and very gentlemen.Na realized ko na lang na pareho pala kami ng gusto nung may nanligaw sakin na type pala nya,,hahaha nakakaloka yun kasi nagalit talaga sya sa akin,,feeling nya inagaw ko ang boylet nya,,nyahahaahah. Kaya kayo mga girls ingat sa mga paminta ha,,masama kaaway mga yan,,mga traidor talaga,,kaya kung may kahina hinalang kilos na,, sabuyan nyo ng asin to cinfirm.. heheheh.
8.BOXER- Hindi naman literal na boxer as in Manny Pacquiao. Boxer kasi mahilig man jombag,, hobby nya ang man jombag ng iba,, kadalasang na jojombag ang mga misis/gf kapag lasing si boxer or maiinit ang ulo dahil walang pidang. Ingat sa mga ganitong lalake ha, para sa akin kung sinaktan kana physically,, makipag hiwalay ka na noh,,wag mo ng intayin na umabot pa sa madugong jombagan.
9. NINOY- Sorry guys ha,, I have to admit meron talagang mga lalake na ganito,,mukang pera. As in gagawin ang lahat,mang uuto ng mang uuto para lang magkapera. Madalas ginagawa sa mga mashoshonda, matrona at sa mga badingerzi..
10. BOLERO- Mabulaklak ang bibig,puro pamumuri ang sinasabi sa kausap, Kahit minsan hindi na totoo Keri lang basta mahalaga makabola sya, usually may hidden agenda ang mga ito, may motibo sa taong binobola nya. Pag shoshonga shonga ang mga girls,ayun nabobola nga sila,marerealized lang nila na nabola sila pag hindi na nagpaparamdam ang boylet,nagtatago na dahil nakuha na ang gusto.
11. GALANTE- In other words mapidang (mapera). Nanliligaw pa lang panay na panay ang pa impress almost everyday may bigay sya sa nililigawan, pakitang gilas din sa friends nung girl,tipong kasama lagi sa treat nya kapag lunch break. Isama mo na dyan ang sundo at hatid. Ang swerte ng GF nitong guy na to,, makakipon talaga kasi wala syang gagastusin kahit singkong duleng,,hehehe,Masarap din itong maging barkada,,hindi uso sa kanya ang chip-in,, hehehehe.
12. MAGINOO PERO MEDYO BASTOS- Medyo lang naman,hehehe siguro naman alam nyo na toh, Actually karamihan ata sa mga boys ganito eh,(uyy aminin)hehehe, Maginoo sya kung tingnan, kung kumilos,kung magsalita,kung pumorma. Pero wag ka, sa other side nya may pagka manyak din,, hahah, malalaman mo na lang yon pag kayong dalawa na lang ang magkasama,, heheheh
13. MUKANG BADING- Meon talagang guy na ganito, madalas napapagkamalang bading kahit super straight sila. Siguro dahil minsan wala silang GFor super serious sa studies, yung mga nag sasakristan sa simbahan at yung mga super bait at close sa mga girls,,kadalasan nami-misinterpret .Sila yung madalas mapagkamalang bading or silahis.
14 . SUPER LOYAL- Sarap pakinggan noh? Kung ganito ang BF mo ang swerte mo . Pero kung barkada mo sya,, maiinis ka,! Kasi naman sa sobrang loyal,, OA na, hindi pwede ito, bawal yon, hindi pwedeng sumama kay ganito,bawal maginom, bawal magyosi, ang daming bawal kasi daw magagalit si gf, hello dati naman hindi ka ganyan (mega transform talaga). Nakakinis pa. magkakasama nga kayo kasi lakad ng barkada,, eh panay naman ang text, as in may sariling mundo parang hindi din naming sya kasama,tapos pag wala na sya load,makiki text pa sayo just to update nanaman c gf kung ano na nagaganap,,nakatutok bente kwatro oras.
Sa part ng GF sobrang ok,pero ang tanong hanggang kalian sya magiging super loyal?? Hmmmn.
15. SELOSO- Oh guys,,amin na! madami talaga ang lalaking super seloso,yung iba lang hindi pinapahalata,tinatago pa obvious naman sa nguso nya.heheheh. Honestly ok lang mag selos,, normal yon, part talaga yan ng isang relationship,,meaning kasi may love talaga. Wag lang SOBER (sobra-over)
Imagine pag minomonitor nya lahat ng kilos mo,tipong may pag tawag pa sa bahay,may kakutsyaba na kapamilya nung girl,just to check kung anong oras nakauwi,hindi pinapayagan sa mga lakad kahit minsan importante,lalu na kung may boys na kasama, kahit nga sabihin mo pa na all girls yun,,papayagan ka nga mayat maya naman ang tawag sa cp,worst kakausapin pa yung katabi mo kung totoo bang girl nga sya, haiytz diba nakakahiya yun? Nakaka pagod magka BF ng ganito waaaaah nakakasakal…
16. FLIRT- Kala nyo girls lang ang flirt?? Hindi noh,, madami din biys ang flirt. Kung madalas ang pa cute sayo,lagging pahanga,feeling close at daily nag te text kahit alang kwenta,confirmed pini-flirt ka na ng lalaking ito. Wala naman masama kung single sya,,pero kung may gf/asawa nakakirita masasabi mo na lang sa sarili mo, anong “feeling mo,papatol ako sayo?” pero in fairness sa mga guys na ito pini-flirt lang nila yung mga girls pag natunugan nila na type din sila ng girl.
17. MALA ANGGEL SA BAIT- In short tanga! Hehehe kasi naman sa sobrang bait nagiging tanga na. Harap harapan na sya niloloko ng gf/ asawa nya ok lang sa kanya,katwiran, “mahal ko ehh” hellow?? Ang sarap sapukin noh? Tingin ko sila yung mga taong walang tiwala at pagmamahal sa sarili,,ibinuhos na lahat sa taong lahal nya,,hindi na nagtira ng para sa sarili nya. Hirap din sila tumanggi sa pabor ng iba,kahit hindi kaya,kakayanin. Masaktan na sya wag lang ang taong mahal nya (uuuuuuuhhhhh). Wish ko lang ang gf at mga friends nito super bait din para hindi sya maabuso.
18. TOMADERO- Sino ba naman ang lalaking hindi marunong tomoma? Kung meron man siguro 3 out of 1000,heheheh eh kasi naman kahit nga badingerzi eh lakas tomoma,kahit mga under age,highshool pa lang makikita mo na sa kanto, ayun nag iinom,wala namang masama kung binata ka at hindi kana humihingi sa parent mo ng pantoma,eh pano kung parent mo mismo tomadero? As in fudra mo mismo, Sa araw araw na lang na ginawa ng Dyos, may himala kung hindi sya lasing. Nakakainis pa naturingang padre de pamilya eh walang trabaho at walang alam kundi magi nom. Haiytz ang hirap magpalaki ng magulang. Kung ang BF mo naman eh ganito,hindi mapigilan sa pag iinom, aba! Mag isip isip ka na iha, para kang kumuha ng baton na ipupok-pok mo sa ulo mo.
19.VIRGIN BREAKER- Naman! Aztig ka kung mabansagan ka nito, naalala ko nung college ako, may ka-klase ako ganito kung tawagin lahat daw kasi ng nagiging GF nun virgin tapos na devirginized nya bago sila mag break (ang guapo naman nun). Ewan ko lang kung sadya nya yun o nagkataon lang. Not so sure din kung may lalaki talaga nay un lang ang gusto sa babae,yung alam mo na, gusto lang maka isa! May friend akong lalake, napag kwentuhan naming minsan, sabi nya once dawn a nalaman nya na hindi nap ala virgin yung gf nya, nag iiba daw ang tingin nya sa girl, yun bang kahit daw makipag break sa kanya,ok lng hindi na nya hahabulin. Pero pag sya daw ang naka una super proud daw sya at ginagalang nya talaga yung girl. Pero meron din akong naririnig na once na nakuha na daw nung lalaki ang perlas ng silanganan (hehehe meganon) virgin man sya oh hindi,, basta nakuha na yun ng lalake mag babago daw talaga treatment nya sayo,siguro kasi feeling nila super pag aari na nila yung girl. Ewan ko din kasi hindi naman ako lalake para ma explain ko ito ng ayos,heheh basta girls, think 1000 bago isuko ang bataan, remember virginity mo pa rin ang pinaka da best na regalo mo sa asawa mo sa araw ng kasal nyo.
20. MANGGAGAMIT- (ang strong ng word) Masakit ito para sa aming mga girls, kahit naman sino na ginamit masasaktan diba? Define lalaking manggagamit? Sila yung mga gagamit ng babae para lang pagselosin ang isa pang babae,di bale sana kung aware ka! Eh pano kung kala mo mahal ka, yun pala pinag seselos lang yung X gf nya, at pag nagselos nga at nagka balikan sila, sorry ka na lang nagpagamit ka ehh!Sasabihin pa nya “sorry na realized ko mahal ko pa ang x ko”wehh na realize daw,wag ka never naman talaga nawala sa puso nya yung X gf nya. Meron pa liligawan ka,sho-shotain ka para lang maka move-on sya sa past relationship nya sasabihin pa “nakalimutan ko na sya” pero deep inside “sagutin mo na ako para malimutan ko na sya” Ang bad diba? Meron din naman ibang boys na hindi sinasadya na manggamit. Palibhasa lalake hindi makatagal ng walang gf,kahit kaka break lng nya sa X nya,gusto ura-urada may bago na agad sya shota,kahit infatuation lang, keri lang masabi lang may GF sya, pero pag seryoso pala ang girl,, ayun girl nanaman ang nasaktan.
21. MAYABANG- Kung sa mga babae hindi nawawala ang ka artehan sa lalake naman hindi mawawala ang kayabangan! Kahit gaano pa yan ka bait or katino mat tinatagong yabang yanmm believe me! Malalaman mo na lang yon pag lumabas na tunay na kulay nya, meron din naman tingin pa lang maangas na, sila yung madalas na jojombag ng mga tambay sa kanto.
22. MR. FRIENDSHIP- Super friendly nya,wala kang makikitang kaaway nya kasi lahat close nya,, pag naglalakad halos lahat ng makasalubong eh kilala nya,ok sya kasama kasi di ka iiwan yun nga lang pag bf mo sya di maiiwasang magselos ka lalu na kung kahit sa mga girls close sya.
23. TELENTED- Nak ng pateng,,kaka inlove toh, magaling kumanta,magaling sumayaw, member ng banda,pwede sa drums, guitars, vocals, nakaka pag drawing/ paint, present lagi sa mga sports fest, bida lagi sa mga contest, kahit minsan hindi sila gwapo, gumu-gwapo na din sila sa tingin ng marami dahil sa amazing talents nila. Nakakainis pag ganito BF mo hehehe habulin kasi, daming girls na nag papa cute,bit of course super proud ka pag GF ka nya pati ikaw sumisikat.
24. JOKER- Yung mga magagaling dumagos ng patawa,hahaha kahit seryosong usapan, basta dumagos na si joker, tawa na ang lahat ng nasa paligid, madali sya makakuha ng atensyon, kaya naman pansinin din ng girls, minsan confusing ng kung seryosp na ba sya or nag jo-joke pa din,, hehehe kawawa pag minsan seryoso na wala pa rin naniniwala.
Yun ohh,closing remarks na ako,, ang dami noh? hahaha binalikan ko lahat ng sinulat ko sa itaas,parang ang konti naman ng naisulat ko na positive side ng mga lalake,(peace men)
But of course meron din,, alam naman nating lahat, babae ka man o lalake,na kahit na totoo ang mga sinulat ko,hindi naman lahat ng lalake may mga qualities na ganyan, meron din silang good qualities na talaga namang minamahal nating mga babae (right girls?),in fairness sa boys,, nakaka in love sila pag sila ay, sweet, caring, thoughful, and loving,.
Guys para sa inyo naman, once na nalaman nyo na this is it, this is really it,(hehehe) go na, wag ng pakawalan pa. Kung feeling mo sobrang mahal mo na tipong kaya mong isuko at ibigay lahat, go! dont hesitate, for sure hindi ka magsisisi, kami namang mga babae mahalin mo lang ng totoo,asahan mo magiging tunay,wagas at walang kapantay ang pag-ibig namin sayo. Wow taray!!
Salamat sa lahat ng nagbasa,please leave comment na rin po, looking forward to read your comments,,
love you all,,
T.Y roadfill for inspiring me to start making blogs,.
i am 85% woman,, and 15% gay,, in tagalog BABAENG BAKLA
me and my friends use to call each other BKLA since we're in H.S (even guy friends),in private or in public places,.,until now even we are all professionals, hehehehehe
Maybe the fact that gays are fun to be with,easy to get along,and full of surprises and humor,makes me proud to be called as babaeng bakla