Saturday, September 26, 2009

MGA LALAKE NGA NAMAN!



Oh diba tittle pa lang obvious na about boys/guys/lalake/boylet/boyfriend/jowa/fudra/at lolo mo ang tatalakayin ko ngayon. Uhm sa mga nakakakilala/followers ni roadfill. Yeah bah!!Ito ang sagot ko sa blog ni fill na “mga babae nga nman”..heheheh wala lang naisip ko lang ang topic na ito kasi biglang puro boylet ang nasa isip ko ngayong gabi..

Yes, of course kung maraming klase nga babae,,madami rin klase ng lalake.Aside from the fact na mos t of my dabarkads ehh lalake. I can say na I am old enough para maisaisa ko sila,,, GAME…

  1. MAMA’S BOY- Oh gadd,,sila yung mga lalaking sobrang takot sa ina.Yung naturingang lalake ,walang ginawa kundi tumango,omoo sa mudra nya.Kahit minsan napipilitan lang sya,go lang ng go.Walang sariling paninindigan.Di makapagdesisyon ng ayos.Kailangan ipaalam muna sa mudra nya lahat ng bagay. Kahit pa nasa right age na sya to deside.Nakatago pa rin sa saya ng nanay nya.I remember nagkaroon ako ng boylet na ganito,mama’s boy talaga as in, naku, masasabi ko lang kawawa ang mapapangasawa ng guy na ganito.
  2. IMMATURE- Isip bata,grabe hirap espelengen,lahat na lang ng gawin mo mali. May barkada akong ganito,parang tanga inaaway ang GF kahit wala sa lugar,palibhasa immature nga sobrang kitid ng utak ayaw pa makinig sa mga advise,wala syang pinakikinggan kundi sarili nya. Tapos in the end pag na realized nya na mali nga sya,ayun iiyak iyak sa isang tabi,, pinanindigan na immature nga sya.
  3. IYAKIN- Yup you heared it right! Hindi lang babae ang iyakin noh.. Meron ding mga lalake,pero syempre knowing boys, hanggat mapipigilan,pipigilan. Mas magaling lang siguro sila mag pigil ng luha kesa sa babae kaya bihira sa mga boys ang nabibisto na iyakin sila.
  4. WOMAN HATER- Of course kung may man hater may woman hater din. Actually pareho lang silang sobrang nasaktan sa isang failed relationship kaya sila naging haters. Ang pinagka iba lang,sa girls pag man hater usually nagiging boyish or tomboy,sa boys naman pag sinabing woman hater (hindi naman nagiging bading ha) kadalasan sila yung mga naghihiganti sa girls,tipong wala ng sineseryoso, burado na sa diksyonaryo nila ang salitang asawa! Walang balak magkapamilya, takot sa responsibilidad at takot na ulit masaktan.
  5. MANYAKIS- Naman! Basta lalake pinaguusapan,hindi mawawala ang manyak dyan. For sure lahat ng girls agree dito. Ang boys slightly may aamin, may mag de-deny. Ewan ko lang ha, im not so sure kung tama lahat ng nasa isip ko. Meron kasing mga lalake na kung makatingin kala mo kakainin ka ng buhay,Oh kung makatitig parang hinuhubaran kana, meron dyan nag lalakad ka lng sisitsitan ka pa, meron nga tropa mo na eh or worst kamag anak chachansingan ka pa!! oh eh anu ba tawag don?? Ehh di manyak!! Plangak,.,
  6. TWO TIMER- Awwts,,it hurts,,two times na ata ako na two time. Ewan ko ba kung bakit may mga lalaking ganito. Hindi makuntento sa isang babae,gusto nila kanila lahat, pag naman pinapili mo sasabihin pa, “pareho ko kayong mahal” TOINKZ! Anu yun dalawa ang puso mo? Or worst sisisihin ka pa sasabihin nya “nagawa ko lang yon dahil sa pagkukulang mo” NAK NG ! KASALANAN KO PA?!

Haiyst,, ewan siguro feeling nila to the highest level ang pogi points pag two or more ang shotitat nila,,

Gadd,, haven’t they considered the feelings of those girls? Diba.. number 1 ka man or number 2 pareho lang yun ehh masasaktan ka kasi niloko ka,.,haiyst,,ewan NEXT

7.PAMINTA- Hahahaha,for those who are not familiar, sila yung mga paminta na durog. Durog meaning Hindi buo, in short badingerzi!! Heheheh. Naalala ko, may nanligaw sakin na pamintang durog. Im not aware na durog pala sya.Madami na nagsabi sa akin na badingerzi nga daw yon, sabi ko hindi naman vain lang talaga siguro,ipinagtanggol ko pa,kasi naman napaka bait nya,sweet,fun to be with and very gentlemen.Na realized ko na lang na pareho pala kami ng gusto nung may nanligaw sakin na type pala nya,,hahaha nakakaloka yun kasi nagalit talaga sya sa akin,,feeling nya inagaw ko ang boylet nya,,nyahahaahah. Kaya kayo mga girls ingat sa mga paminta ha,,masama kaaway mga yan,,mga traidor talaga,,kaya kung may kahina hinalang kilos na,, sabuyan nyo ng asin to cinfirm.. heheheh.

8. BOXER- Hindi naman literal na boxer as in Manny Pacquiao. Boxer kasi mahilig man jombag,, hobby nya ang man jombag ng iba,, kadalasang na jojombag ang mga misis/gf kapag lasing si boxer or maiinit ang ulo dahil walang pidang. Ingat sa mga ganitong lalake ha, para sa akin kung sinaktan kana physically,, makipag hiwalay ka na noh,,wag mo ng intayin na umabot pa sa madugong jombagan.

9. NINOY- Sorry guys ha,, I have to admit meron talagang mga lalake na ganito,,mukang pera. As in gagawin ang lahat,mang uuto ng mang uuto para lang magkapera. Madalas ginagawa sa mga mashoshonda, matrona at sa mga badingerzi..

10. BOLERO- Mabulaklak ang bibig,puro pamumuri ang sinasabi sa kausap, Kahit minsan hindi na totoo Keri lang basta mahalaga makabola sya, usually may hidden agenda ang mga ito, may motibo sa taong binobola nya. Pag shoshonga shonga ang mga girls,ayun nabobola nga sila,marerealized lang nila na nabola sila pag hindi na nagpaparamdam ang boylet,nagtatago na dahil nakuha na ang gusto.

11. GALANTE- In other words mapidang (mapera). Nanliligaw pa lang panay na panay ang pa impress almost everyday may bigay sya sa nililigawan, pakitang gilas din sa friends nung girl,tipong kasama lagi sa treat nya kapag lunch break. Isama mo na dyan ang sundo at hatid. Ang swerte ng GF nitong guy na to,, makakipon talaga kasi wala syang gagastusin kahit singkong duleng,,hehehe,Masarap din itong maging barkada,,hindi uso sa kanya ang chip-in,, hehehehe.

12. MAGINOO PERO MEDYO BASTOS- Medyo lang naman,hehehe siguro naman alam nyo na toh, Actually karamihan ata sa mga boys ganito eh,(uyy aminin)hehehe, Maginoo sya kung tingnan, kung kumilos,kung magsalita,kung pumorma. Pero wag ka, sa other side nya may pagka manyak din,, hahah, malalaman mo na lang yon pag kayong dalawa na lang ang magkasama,, heheheh

13. MUKANG BADING- Meon talagang guy na ganito, madalas napapagkamalang bading kahit super straight sila. Siguro dahil minsan wala silang GF or super serious sa studies, yung mga nag sasakristan sa simbahan at yung mga super bait at close sa mga girls,,kadalasan nami-misinterpret .Sila yung madalas mapagkamalang bading or silahis.

14 . SUPER LOYAL- Sarap pakinggan noh? Kung ganito ang BF mo ang swerte mo . Pero kung barkada mo sya,, maiinis ka,! Kasi naman sa sobrang loyal,, OA na, hindi pwede ito, bawal yon, hindi pwedeng sumama kay ganito,bawal maginom, bawal magyosi, ang daming bawal kasi daw magagalit si gf, hello dati naman hindi ka ganyan (mega transform talaga). Nakakinis pa. magkakasama nga kayo kasi lakad ng barkada,, eh panay naman ang text, as in may sariling mundo parang hindi din naming sya kasama,tapos pag wala na sya load,makiki text pa sayo just to update nanaman c gf kung ano na nagaganap,,nakatutok bente kwatro oras.

Sa part ng GF sobrang ok,pero ang tanong hanggang kalian sya magiging super loyal?? Hmmmn.

15. SELOSO- Oh guys,,amin na! madami talaga ang lalaking super seloso,yung iba lang hindi pinapahalata,tinatago pa obvious naman sa nguso nya.heheheh. Honestly ok lang mag selos,, normal yon, part talaga yan ng isang relationship,,meaning kasi may love talaga. Wag lang SOBER (sobra-over)

Imagine pag minomonitor nya lahat ng kilos mo,tipong may pag tawag pa sa bahay,may kakutsyaba na kapamilya nung girl,just to check kung anong oras nakauwi,hindi pinapayagan sa mga lakad kahit minsan importante,lalu na kung may boys na kasama, kahit nga sabihin mo pa na all girls yun,,papayagan ka nga mayat maya naman ang tawag sa cp,worst kakausapin pa yung katabi mo kung totoo bang girl nga sya, haiytz diba nakakahiya yun? Nakaka pagod magka BF ng ganito waaaaah nakakasakal…

16. FLIRT - Kala nyo girls lang ang flirt?? Hindi noh,, madami din biys ang flirt. Kung madalas ang pa cute sayo,lagging pahanga,feeling close at daily nag te text kahit alang kwenta,confirmed pini-flirt ka na ng lalaking ito. Wala naman masama kung single sya,,pero kung may gf/asawa nakakirita masasabi mo na lang sa sarili mo, anong “feeling mo,papatol ako sayo?” pero in fairness sa mga guys na ito pini-flirt lang nila yung mga girls pag natunugan nila na type din sila ng girl.

17. MALA ANGGEL SA BAIT- In short tanga! Hehehe kasi naman sa sobrang bait nagiging tanga na. Harap harapan na sya niloloko ng gf/ asawa nya ok lang sa kanya,katwiran, “mahal ko ehh” hellow?? Ang sarap sapukin noh? Tingin ko sila yung mga taong walang tiwala at pagmamahal sa sarili,,ibinuhos na lahat sa taong lahal nya,,hindi na nagtira ng para sa sarili nya. Hirap din sila tumanggi sa pabor ng iba,kahit hindi kaya,kakayanin. Masaktan na sya wag lang ang taong mahal nya (uuuuuuuhhhhh). Wish ko lang ang gf at mga friends nito super bait din para hindi sya maabuso.

18. TOMADERO- Sino ba naman ang lalaking hindi marunong tomoma? Kung meron man siguro 3 out of 1000,heheheh eh kasi naman kahit nga badingerzi eh lakas tomoma,kahit mga under age,highshool pa lang makikita mo na sa kanto, ayun nag iinom,wala namang masama kung binata ka at hindi kana humihingi sa parent mo ng pantoma,eh pano kung parent mo mismo tomadero? As in fudra mo mismo, Sa araw araw na lang na ginawa ng Dyos, may himala kung hindi sya lasing. Nakakainis pa naturingang padre de pamilya eh walang trabaho at walang alam kundi magi nom. Haiytz ang hirap magpalaki ng magulang. Kung ang BF mo naman eh ganito,hindi mapigilan sa pag iinom, aba! Mag isip isip ka na iha, para kang kumuha ng baton na ipupok-pok mo sa ulo mo.


19.VIRGIN BREAKER- Naman! Aztig ka kung mabansagan ka nito, naalala ko nung college ako, may ka-klase ako ganito kung tawagin lahat daw kasi ng nagiging GF nun virgin tapos na devirginized nya bago sila mag break (ang guapo naman nun). Ewan ko lang kung sadya nya yun o nagkataon lang. Not so sure din kung may lalaki talaga nay un lang ang gusto sa babae,yung alam mo na, gusto lang maka isa! May friend akong lalake, napag kwentuhan naming minsan, sabi nya once dawn a nalaman nya na hindi nap ala virgin yung gf nya, nag iiba daw ang tingin nya sa girl, yun bang kahit daw makipag break sa kanya,ok lng hindi na nya hahabulin. Pero pag sya daw ang naka una super proud daw sya at ginagalang nya talaga yung girl. Pero meron din akong naririnig na once na nakuha na daw nung lalaki ang perlas ng silanganan (hehehe meganon) virgin man sya oh hindi,, basta nakuha na yun ng lalake mag babago daw talaga treatment nya sayo,siguro kasi feeling nila super pag aari na nila yung girl. Ewan ko din kasi hindi naman ako lalake para ma explain ko ito ng ayos,heheh basta girls, think 1000 bago isuko ang bataan, remember virginity mo pa rin ang pinaka da best na regalo mo sa asawa mo sa araw ng kasal nyo.

20. MANGGAGAMIT- (ang strong ng word) Masakit ito para sa aming mga girls, kahit naman sino na ginamit masasaktan diba? Define lalaking manggagamit? Sila yung mga gagamit ng babae para lang pagselosin ang isa pang babae,di bale sana kung aware ka! Eh pano kung kala mo mahal ka, yun pala pinag seselos lang yung X gf nya, at pag nagselos nga at nagka balikan sila, sorry ka na lang nagpagamit ka ehh! Sasabihin pa nya “sorry na realized ko mahal ko pa ang x ko” wehh na realize daw,wag ka never naman talaga nawala sa puso nya yung X gf nya. Meron pa liligawan ka,sho-shotain ka para lang maka move-on sya sa past relationship nya sasabihin pa “nakalimutan ko na sya” pero deep inside “sagutin mo na ako para malimutan ko na sya” Ang bad diba? Meron din naman ibang boys na hindi sinasadya na manggamit. Palibhasa lalake hindi makatagal ng walang gf,kahit kaka break lng nya sa X nya,gusto ura-urada may bago na agad sya shota,kahit infatuation lang, keri lang masabi lang may GF sya, pero pag seryoso pala ang girl,, ayun girl nanaman ang nasaktan.

21. MAYABANG- Kung sa mga babae hindi nawawala ang ka artehan sa lalake naman hindi mawawala ang kayabangan! Kahit gaano pa yan ka bait or katino mat tinatagong yabang yanmm believe me! Malalaman mo na lang yon pag lumabas na tunay na kulay nya, meron din naman tingin pa lang maangas na, sila yung madalas na jojombag ng mga tambay sa kanto.

22. MR. FRIENDSHIP- Super friendly nya,wala kang makikitang kaaway nya kasi lahat close nya,, pag naglalakad halos lahat ng makasalubong eh kilala nya,ok sya kasama kasi di ka iiwan yun nga lang pag bf mo sya di maiiwasang magselos ka lalu na kung kahit sa mga girls close sya.

23. TELENTED- Nak ng pateng,,kaka inlove toh, magaling kumanta,magaling sumayaw, member ng banda,pwede sa drums, guitars, vocals, nakaka pag drawing/ paint, present lagi sa mga sports fest, bida lagi sa mga contest, kahit minsan hindi sila gwapo, gumu-gwapo na din sila sa tingin ng marami dahil sa amazing talents nila. Nakakainis pag ganito BF mo hehehe habulin kasi, daming girls na nag papa cute,bit of course super proud ka pag GF ka nya pati ikaw sumisikat.

24. JOKER- Yung mga magagaling dumagos ng patawa,hahaha kahit seryosong usapan, basta dumagos na si joker, tawa na ang lahat ng nasa paligid, madali sya makakuha ng atensyon, kaya naman pansinin din ng girls, minsan confusing ng kung seryosp na ba sya or nag jo-joke pa din,, hehehe kawawa pag minsan seryoso na wala pa rin naniniwala.

Yun ohh,closing remarks na ako,, ang dami noh? hahaha binalikan ko lahat ng sinulat ko sa itaas,parang ang konti naman ng naisulat ko na positive side ng mga lalake,(peace men)

But of course meron din,, alam naman nating lahat, babae ka man o lalake,na kahit na totoo ang mga sinulat ko,hindi naman lahat ng lalake may mga qualities na ganyan, meron din silang good qualities na talaga namang minamahal nating mga babae (right girls?),in fairness sa boys,, nakaka in love sila pag sila ay, sweet, caring, thoughful, and loving,.


Guys para sa inyo naman, once na nalaman nyo na this is it, this is really it,(hehehe) go na, wag ng pakawalan pa. Kung feeling mo sobrang mahal mo na tipong kaya mong isuko at ibigay lahat, go! dont hesitate, for sure hindi ka magsisisi, kami namang mga babae mahalin mo lang ng totoo,asahan mo magiging tunay,wagas at walang kapantay ang pag-ibig namin sayo. Wow taray!!


Salamat sa lahat ng nagbasa,please leave comment na rin po, looking forward to read your comments,,

love you all,,


T.Y roadfill for inspiring me to start making blogs,.